stock. stock. stock. anu-ano nga ba ang tinitiyak nating i-stock na pagkain? nangunguna na dyan ang mga instant noodles at mga de lata ng sardinas, luncheon meat at tuna. bukod sa mura na ang mga ito na sa kadalasan..."sale", kasi nga mas madali at mas matagal ang buhay nito sa imbakan. walang pag-aalala na ito ay masisira kaagad. at kung walang pagkakataong magluto gawa ng pagod sa trabaho ang mga ito ang laging maaasahan!
at sa akin, pinakapaborito ko ang de lata ng tuna. marami kasi akong magagawa o malulutong putahe sa tuna. pwedeng ipang-salad, pampalaman, ilahok sa spaghetti at ulam! kaya ibabahagi ang isa mga lutuing de latang tuna!
Tuna & Peas in Oyster Sauce
mga sangkap:
1 lata ng tuna
1/2 tasang frozen green peas
4 butil ng bawang
1 sibuyas
3 kutsarang oyster sauce
1/2 kutsaritang chili flakes
gakurot na asin at paminta (ayon sa panlasa)
paraan ng pagluluto:
1. gamitin ang mantika ng tuna bilang pang-gisa sa bawang at sibuyas.
2. ilagay ang tuna at lutuin sa loob ng 3 minuto.
3. ihalo na ang peas at lutuin ng 3 minuto.
4. ilagay ang oyster sauce, chili flakes, asin at paminta at lutuin sa loob ng 5 minuto.
5. maaari ng hanguin at ihapag ng may kasamang mainit na kanin!
servings: 2 - 3 ulaman
ok de lata nmn tyo ngayon... di yung tradisyunal na pagkain sa sardinas..ung tipong masustansya at yummy ang dating...
TumugonBurahintama... :)
Burahin