hala! parang sa isang iglap ay naumay ako sa karne... inaabot ko talaga ang mga pagkakataong ito. mayroon akong gustong kainin pero di ko pa ito mawari. bwahahahaha para bagang naglilihi ika nga. kaya di ko alam ang iluluto ko para sa hapunan at baon ko kinabukasan. isip. isip. isip. parang ang laki-laki ng problema ko hane?
at biglang, TING! ano nga bang imbak ko? hmmm... mayroon akong 4 na pirasong kamatis, itlog at patatas! pwede akong mag ginisang kamatis pero gusto ko naman ng patatas. omelette? he he he bahala na. kaya tulad ng dating gawi, pagsama-samahin ang mga anuman ang mayroon!
happy tummy!
TORTANG PATATAS
mga sangkap
4 pirasong kamatis
1 pirasong patatas
2 pirasong itlog
2 butil ng bawang
1 pirasong sibuyas
1 kutsaritang paprika
1 kutsaritang asin
mantika
paraan ng pagluluto
1. iprito muna ang patatas ng may asin at paprika. itabi.
2. igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
3. kapag halos maluto na ang kamatis at ilagay na ang patatas at lutuin sa loob ng 2 minuto.
4. isunod na ilagay ang binating itlog at lutuin sa loob ng 3 minuto.
5. maaaring timplahan pa ng asin at paprika ayon sa panlasa.
6. hanguin at ihain ng may tinapay o mainit na kanin.
paghahain: 2 ulaman
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento