pagod ang aking katawang lupa. halos isang linggong pinaghadaan namin ang baby shower ni mommy kat. mula sa pag-iisip ng menu at marami pang iba. problemado nung una si mommy kat kasi kung papaano ang gagawin nyang handaan. kung sa restawran na lang ba o dito sa aming abang tahanan o flat. kung sino ang magluluto o makakatuwang nya kung sakali. aba e, sabi nga namin sa kanya e walang problema sa pagluluto at kami ni kuya harvey ang bahala.
bayanihan ika nga ang naging sagot sa problema ni mommy kat. kaya isang linggo bago ang kanyang party ay naghanay na kami ng mga putaheng ihahanda. at ang mga sumusunod ang aming napagkayarian:
pang-himagas
1. choco-polvoron
2. bibingkang kanin
3. fruit salad
ulam
1. menudo
2. kare-kare
3. lumpiang shanghai
4. sipo egg o mixed vegetable in cream sauce
meryenda
1. spaghetti
2. lumpiang sariwa
kaya para matiyak na organisado at pasok sa oras ang paghahanda ay inihanay ko ang skedyul para sa preparasyon. he he he sana'y kasi tayong me sistema at nakaparograma ang mga hakbang. animo'y naghahanay ng programa ng pagkilos para sa isang gawain. dahil ang itinakda nyang araw ay biyernes at hapunan ang nasabing aktibidad, nararapat di kami magahol sa oras at di ngarag ang mga byuti namin sa aktwal na party, narito ang naging skedyul namin:
Time table
- October 05 - Baby Shower at 6:00 p.m.
October
02
|
Market
Day
|
October
03
|
Lumpiang Shanghai
Polvoron
|
October
04
|
Bibingkang Kanin
Sauce ng Spaghetti
Lumpia wrapper making
Marinate: Menudo
Gayat ng mga rekado
|
October
05
|
Umaga:
Lumpiang Sariwa
Menudo
Sipo Egg
Tanghali:
Kare-kare
Hapon:
Lumpiang Shanghai
Spaghetti noodles Kanin
Estimated Time na matapos ay 5:00 pm
|
well, pasok kami sa oras! yehey! at alas-kwatro pa lang ay natapos na ang kabisihan sa kusina! nasunod ang itikdang plano at nagkaroon ng pagkakataong makapagpahinga at maging fresh ang hitsura at pakiramdam namin.
pangsimula ng kainan!
Bibingkang Kanin |
Choco Polvoron |
Lumpiang Sariwa |
meron pa...
Spaghetti |
Lumpiang Shanghai |
Menudo |
Sipo Egg |
Kare-kare |
nabusog ka ba? :)
thanks Mr. Fajar for visiting my blog. yes, we also call it lumpia in the philippines. :)
TumugonBurahin