ako ay nagagalak at walang pag-iimbot na pina-uunlakan ng aking mga mahal na kaibigan ang abang paanyaya na sila man ay maging bahagi sa ating tambayan. layun nating magbahaginan ng mga pang-araw-araw na karanasan sa larangan ng pagluluto (o sa kung anumang pwedeng pag-usapan). ang pangunahin dito ay kung ano ang ligayang maibibigay nito di lamang sa kumakalam na sikmura kundi ang magbigay ng ngiti sa mga labi ng mga minamahal sa buhay.
kaya huwag na nating patagalin pa... mula sa "down under" - bigyan natin ng sabay-sabay na sampung bagsak (palakpak po iyon sa di pamilyar)... pak. pak. pak. pak. pwedeng apat na lang napagod na ko sa pag type. teka pasensya na at ayaw humarap sa kamera e... lingon ka naman dito. o sha ubra na yan. mga kaibigan, si kristine!
"ako si Kristine Kaspy taga-Australia. Ako ay nagtatrabaho bilang nars o RN sa isang clinic dito sa Perth. Isang taon mahigit na akong naninirahan dito kasama ng aking asawa. Ang putahe na ibabahagi ko ay Sweet and Sour Pork. Mahilig kaming magluto ng asawa ko at madalas ako ang nagluluto ng mga putahe na kailangan ng kanin. Madalas naman siya ang niluluto niya ay mga pasta. Sana ay magustuhan niyo."
"ako si Kristine Kaspy taga-Australia. Ako ay nagtatrabaho bilang nars o RN sa isang clinic dito sa Perth. Isang taon mahigit na akong naninirahan dito kasama ng aking asawa. Ang putahe na ibabahagi ko ay Sweet and Sour Pork. Mahilig kaming magluto ng asawa ko at madalas ako ang nagluluto ng mga putahe na kailangan ng kanin. Madalas naman siya ang niluluto niya ay mga pasta. Sana ay magustuhan niyo."
mga sangkap:
1/2 tasa ng cornflour
1/3 tasa ng harina
1 kutsaritang asin
2 pirasong itlog
2 kutsarang tubig
1/2 kilong baboy - laman
mantika
sarsa:
1 kutasarang peanut oil
1 pirasong bell pepper o capsicum
1 pirasong carrot
1 buong buko ng bawang
1/2 tasang asukal
1/2 tasang suka
1 kutsarang toyo
2 kutsarang harina o corn flour
425g can pineapple pieces in natural juices, drained
paraan ng pagluluto:
1. pagsamahin ang cornflour, harina, asin, itlog at tubig para maging "batter".
2. ihalo ang baboy sa batter. tiyaking kumapit ang batter sa karne.
3. i-prito ng nakalubog sa mantika ang karne. itabi.
4. para sa sarsa naman, painitin ang mantika sa kaserola.
5. igisa ang bawang, carrots at capsicum sa loob ng 3 minuto.
6. samantala, paghaluin ang asukal, suka, toyo at tubig sa maliit na mangkok. kanawin at tunawin ang asukal. at idagdag ang harina at tubig. haluin hanggang sa matunaw ang harina. (mixture)
7. ibuhos ang mixture sa kaserola. haluin at pakuluin sa loob ng 2 minuto.
8. isunod na ilagay ang pinya at ang piniritong karne. pakuluin ng 2 minuto.
9. hanguin at i-serve ng may mainit na kanin!
serving: 3-4 ulaman
hay sa chowking ko lng nakakain yan... kailan ko rin ky matitikman yan....dada....
TumugonBurahin