Sabado, Oktubre 13, 2012

Ensaladang Kangkong, Kamatis, Sibuyas at Itlog na Maalat

dahil medyo nalobo at nagiging malusog na ang inyong abang lingkod... napagpasyahan (as in, NAPAGPASYAHAN ko!) kong mas damihan ang in-take o kain ng gulay at bawasan ang kain ng kanin, hahaayyy isang malaking kalungkutan. in short, magda-diet ako! 

so ano nga ba ang diet plan ko? anong gulay ang pasok sa budget ko at laging mayroong stock sa tindahan? aba e ano pa nga ba? ang walang kakupas-kupas na KANG-KONG! e isang dirhamo lang ang kada tali ng kang-kong dine at mabubusog na ang mga nagpaprotesta kong mga alaga sa tyan.

narito ang aking ensaldang kangkong na hinaluan ko ng itlog na maalat na sarili kong gawa... huwag mag-alala at ibabahagi ko paggawa nito sa sunod.

Ensaladang Kangkong, Kamatis, Sibuyas at Itlog na Maalat


mga sangkap:

1 taling kangkong
1 pirasong kamatis
1 pirasong sibuyas
2 pirasong itlog na maalat
1 kutsaritang mantika
gakurot na asin at paminta o ayon sa panlasa

paraan ng pagluluto:

1. magpakulo ng tubig na may asin, paminta at mantika. kapag kumulo na ito maaaring nang itubog ang kangkong sa loob ng 2 minuto o hanggang sa tumingkad ang pagkaberde ng gulay. hanguin at itabi.

2. gayating ang sibuyas, kamatis at itlog na maalat ng maliliit o cubes. maaari ding gayatin ang kangkong ng maliliit kung nanaisin.

3. pagsama-samahin ang lahat ng sangkap. maaaring maglagay ng asin at paminta ayon sa panlasa.

servings: 1 kainan kung pang diet lang at walang kasamang kanin pero kung gagawing pang-ulam o side dish ay maaaring hatiin sa 2-3.



1 komento: