Martes, Oktubre 9, 2012

chicken 101: Ate Lei's CHICKEN MUSHROOM OMELETTE

muli na naman tayong pinasiyaan ni Ate Lei (maaaring balikan ang kanyang unang pagdalaw dito). at dahil mayroon tayong Chicken 101 sa ating tambayan ay malugod nyang ibabahagi ang isa pang recipe na kanyang karaniwang inihahanda at kinakain. kaya't wag na nating patagalin pa, si Ate Lei:

*palakpakan ng bonggang-bongga at may kasamang hiyawan! woooooot! wooooot! :)

si Ate Lei sa Kusina

"Manok time!!!
sensya na po at yan ang pinakamurang karne dito sa UAE, he he he he
Nag grilled chicken po si ina 
(katawagan ng mga kasambahay sa kanilang among babae).
Grilled Chicken
As usual pitso po lamang ang aking kukunin na siya lang nilang kinakain..
Kaya naman para di masayang si manok, 
hinimay ko ang natira at ginawang....."

CHICKEN MUSHROOM OMELETTE
CHICKEN MUSHROOM OMELETTE with Asparagus

Mga rekado:
2 itlog (binati)
mushroom (taingang daga, 8.65dhs)
2 kamatis (mas madami mas malasa)
1 sibuyas
4 butil ng bawang
hinimay na manok  (giniling na baboy, optional)

Paraan ng pagluluto:
1. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis...(pakatasin ang kamatis), ilagay ang manok.

2. Ihalo ang mushroom at lutuin sa loob ng 5 minuto.

3. Ilagay ang binating itlog, lagyan ng paminta at timplahan ng ayon sa panlasa

4. Hanguin....Bon Appetite!!!


servings: 2 - 3 ulaman

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento