bigla akong nagamba sa pagpapatupad ng cyber crime law sa pinas... baka pati itong mga lutuin ko ay pagbawalan, he he he. at sa isang banda, ay malimitahan nito ang ating kalayaang magpapahayag...
naturalmente, maaari at talagang magpag-uugnay natin ang kalagayan nating mga OFW sa socio-economic status sa Pinas (kaya malaya nating naipapahayag ang ating mga daing lalu na sa mundo social networking). yun nga ang punut-dulo kung bakit tayo nagawi dito sa ibayong dagat at malayo sa ating mga pamilya. at para saan ang layun nating makapaghanap-buhay at makapagtipid maging sa ating mga pagkain. hahay buhay! nakakastress ha.
katulad ng mga nauna ko nang naibahagi, ang kusina ay maituturing kong paraiso. kaya ito ang "unloading area" ko ng mga stress at ito rin ang "loading area" ko ng positive vibes! ang bawat stress ay pawang nababalatan, nahihimay, nagagayat at nahuhugasan. pero nunka, bawal ang nakasimangot kabag nagluluto. dapat ma-feel ang tuwa at ligaya na maidudulot nito sa kumakalam na sikmura! samantalang ang positive vibes naman ay pawang nanggagaling sa tunog ng pagsagitsit ng mantika, ng kumukulong tubig at sa samyo't aroma ng pagkaing niluluto. pakiramdam ko kasi parang eksena lang sa Beauty and the Beast ang bawat yapak ko sa kusina, he he he. magkagayun pa man ay di sa lahat ng pagkakataon ay stress ang inyong abang lingkod. cooking is my hobby. ay, mali. cooking is my passion! naks!
so, tara magluto na tayo! at dahil lagi't-laging nasa balangkas tayo ng "budget" - ang PATATAS naman ang bibida. kasi dito mura ang patatas... kaya madalas itong nailalahok sa mga lutuin ngunit madalang itong maging BIDA at laging support o extra ang role nya. at syempre dahil, ever supportive ako ay bibigyan ko ng "starring role" sa putahe ngayon.
ARIBIDA, PATATAS!
AriBIDA Patatas! (katumbas nito ang Hush Brown at Okoy) |
sangkap:
1 kilo Patatas (grated)
1 250mg Feta Cheese
2 pirasong Sibuyas (ginayat na pino)
Paminta
mantika o butter
pamamaraan:
1. sa isang malaking mangkok o anumang lalagyan tulad ng palanggana ay pagsasama-samahin ang patatas, feta, at sibuyas. haluing mabuti.
2. lagyan ng paminta ayon sa panlasa.
3. ihanda ang baking pan at pahiran ng mantika o butter. ay maglagay tig-isa hanggang dalawang kutsara ng mixture at i-ayon sa hubog na naisin. tiyaking hindi magkakadikit ang mga ito.
4. samantala, ay ihanda at painitin ang oven (pwedeng rin namang i-prito pero mas type ang i-bake ang mga ito) sa medium heat (pasensya na at walang metro o gauge ang oven sa bahay e). matapos nito ay maaari nang isalang sa loob ng 15-20 minuto o sa hanggang sa maluto ang patatas.
Nakasalang na! Old school ang aming oven, oh! |
5. sa pagitan 10-15 minuto ay maaaring hanguin at baligtarin ang para maging pantay ang pagkakaluto.
6. matapos ang 20 minuto ay luto na. hanguin at palamigin. maaaring ulamin o gawing meryenda. pwedeng isawsaw sa suka na parang okoy o dili kaya ay ketchup na parang burger!
sa isang kilo ay makakagawa ng 3-4 servings na mayroong tig-4 na piraso |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento