isa sa alternatibo ko sa baboy at baka o anumang karne ay ang isda. at kung sa Pilipinas ay madalang pa sa patak ng ulan dito sa UAE ako makakain o nakakain ng Lapu-lapu, dito easy access ika nga. wala nga akong natatandaan na nakain ko na ang isdang ito. e pawang mga "may datung" lamang ang mayroong pagkakataong kumain nito. tipong kapag ito ang inorder mo sa restwaran eh, big time ka! keribels ng iyong bulsa ang presyo nito, ika nga.
mantakin mo dito sa UAE ay di ko halos pansin ito at di ko nga kasi siya closeness... tanging sina bangus, galunggong at tilapia lang friendship ko. at nagkataong nalipat ako sa bagong flat at dun ko nakilala si Lapu-lapu na nagtatago sa code name na Hammour! naloka ang byuti ko ng malaman kong sila ay iisa! at wag ka, napakamura nito kesa sa bangus at galunggong! uuuwwwaaaaahhhh!!!
kaya pagkakataon ko na ito matikman... andito na eh. chance na itech!
Sweet & Sour Lapu-lapu a.k.a. Hammour
mga sangkap:
1 kilong Lapu-lapu o Hammour
1 pirasong carrots
1 pirasong bell pepper o capsicum
1 pirasong onion leeks
1 pirasong sibuyas
4 butil ng bawang
1 maliit na luya
1 tasang mantika
1 kutsaritang asin
1/2 kutsaritang paminta
1 kutsarang asukal
2 kutsarang conrstarch
2 kutsarang suka
1/2 tasang tubig
paraan ng pagluluto:
1. iprito muna ang Lapu-lapu at itabi.
2. samantala, gayatin ang mga gulay na pawang mga strips.
3. painitin ang mantika sa kawali. igisa ang luya, bawang, sibuyas sa loob ng 3 minuto o hanggang sa lumabas ang kaaya-ayang aroma na ibibigay ng mga ito.
4. ilagay ang mga gulay at lutuin sa loob ng 5 minuto.
5. pagsama-samahin ang suka, tubig, asukal at cornstarch. haluin hanggang sa matunaw ang cornstarch.
6. ibuhos ang tinunaw na cornstarch mixture sa gulay at haluin. pakuluin sa loob ng 3-5 minuto.
7. ilagay na ang piniritong Lapu-lapu at pakuluin muli sa loob ng 3 minuto at hanguin.
servings: 2 - 3 kainan o depende sa piraso ng isda.
ito pa gusto ko din matikman yan dadako..
TumugonBurahinhe he he oo naman basta me budget ka :P
Burahin