Lunes, Oktubre 8, 2012

Lumpiang Sariwa ala Diwatang Lagalag

Lumpiang Sariwa ala Diwatang Lagalag
noong baby shower ni mommy kat ang susunod na recipe ang isa sa mga bumida sa handaan. madalang at tuwing may mga espeyal na okasyon lamang natin ito nakakain o dili kaya ay tuwing magagawi ng Goldilocks - ang lumpiang sariwa. pero sa karaniwan at pang-espeyal ay ang lumpiang ubod ang pinaka prime na klase nito. ngunit, san naman ako makakahanap ng ubod dito sa UAE? kung mayroon mang makikita, makatitiyak akong ito ay mahal. di nga bat laging nasa balangkas tayo ng "budget"? so ano pa nga ang ating maaasahan? ang mga karaniwang gulay na matatgpuan sa mga supermarket at grocey dito - repolyo, carrots at toge. at syempre isa sa makabubuhay nito ay ang pambalot nagagamitin. dahil espesyal na okasyon ay di namin ginamit ang mga frozen lumpia wrapper, ang sagot ay gumawa at magluto nito! at hindi makukumpleto kung walang pamatay na sarsa. kung kaya't ang paghahanda at pagluluto nito ay mahahati sa tatlong bahagi: gulay / palaman + pambalot + sarsa = lumpiang sariwa!

Lumpiang Sariwa ala Diwatang Lagalag

mga sangkap:

palaman:
1 malaking repolyo
4 pirasong carrots
1 balot ng toge
2 balot ng tokwa
1 buong bawang
1 sibuyas

pambalot:
1 tasang harina
1 itlog
gakurot na asin
2 kutsarang asukal
1 kutsarang mantika
3 tasang gatas o tubig

sarsa:
1 tasang harina
2 tasang asukal
1 kutsaritang paminta
1 tasang bawang (ginayat ng pino)
1 kutsaritang asin
1/2 tasang toyo
2 kutsarang suka
1 tasang mani (tostado na at durugin)

pamamaraan:
palaman

1. gayatin ng maninipis at pahaba ang repolyo at carrots.

2. hugasang mabuti ang toge.

3. gayatin din ang bawang at sibuyas.

4. ang tokwa naman ay iprito muna at gayatin din ng cubes.

5. igisa sa bawang at sibuyas ang mga gulay at timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa. bilang panghuli ay ihalo ang tokwa at haluin. 

6. hanguin, itabi at palamigin.

pambalot

1. paghaluin ang harina, asukal, at asin.

2. ilagay ang itlog at haluing mabuti.

3. ibuhos ang gatas o tubig na malamig at mantika, haluin. tiyaking malabnaw ito para sa tamang timpla.

4. painitin ang kawali at pahiran ng mantika o butter. at magbuhos ng sapat na timpla sa kawali.

*para lamang nagluluto ng pancake, yun nga lang mas manipis ito.

sarsa

1. paghaluin ang lahat ng sangkap.

2. isalang sa mahinang apoy at tiyaking haluin sa tuwina para maiwasang mamuo at masunog.

3. kapag sapat na ang lapot ng sarsa ay maaari na itong hanguin at palamigin.



Lumpiang Sariwa ala Diwatang Lagalag
pwede na kayong umorder!



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento