bahagi na ng sistema ko ay pagdating sa gabi galing sa trabaho ay diretso sa kusina para kumain o maghanda ng pagkain. magsasaing at magluluto ng ulam. kapag andito ka sa gitnang silangan ay napakaraniwan ang manok. kaya nga kapag ang isang OFW ay nauwi ng pinas... ay iniisnab nito ang anumang lutuing manok! at isa sa na-obserbahan ko sa mga kabayan partikular dito sa UAE, ay mga skin allergies dulot ng madalas na pagkain ng manok. di ko rin ba mawari bakit eh.. pinoy lang. marahil mas karaniwang kinakain natin ay karne ng baboy di nga ba? mayroon namang mabibilhan ng karne ng baboy ngunit syempre mga piling tindahan lamang ang mga ito. sa bahagi ko, sa area ko ay walang mapagbibilhan nito. at ang manok ang pinakamadali, bukod sa kahit san pwede kang makabili ay ito ay pasok na pasok sa limitadong budget kasi napakamura dito.
dahil ang manok ay napakaraniwan dito sa UAE, magkakaroon tayo ng iba't-ibang klase ng lutuin nito na ibabahagi ng inyong abang lingkod at mga kaibigan. para pasimulan ang Chicken 101 natin, mangunguna sa listahan ang Adobo style na patok sa panlasa at tatak nating mga Pinoy.
ADOBO EXPRESS
sangkap:
1 kilong manok
2 buong bawang
2 sibuyas
1 tasang toyo
1 kutsaritang paminta
1 kutsaritang chili flakes
1 kutsaritang paprika
1/2 tasang suka
1/2 tasang mantika
gakurot na asin
Note:
pamamaraan:
1. pakuluan ang manok sa 1/2 tasang toyo, 1/4 tasang suka, asin, 1/2 kutsaritang paminta at 1 bawang sa loob ng 15 minuto. hanguin ang manok at itabi.
2. sa mainit na kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang at sibuyas. ilagay ang pinakulaang manok (huwag isama ang pinagkuluan).
3. hayaang maluto ang manok sa loob ng 5-8 minuto. at ilagay ang toyo, chili flakes, paprika at paminta.
4. ibuhos ang pinagkuluan at hayaang lumapot ito.
5. kapag halos matutuyo na ay maaari na itong hanguin at ihapag kasama ng mainit na kanin.
ADOBO EXPRESS
sangkap:
1 kilong manok
2 buong bawang
2 sibuyas
1 tasang toyo
1 kutsaritang paminta
1 kutsaritang chili flakes
1 kutsaritang paprika
1/2 tasang suka
1/2 tasang mantika
gakurot na asin
Note:
- sa kadalasan, sa aking pagluluto ay tantyahan o inaayon ko ito sa aking panlasa. kaya ang mga asin, paminta, paprika at chili flakes ay maaaring dagdagan o bawasan ayon sa inyong panlasa.
pamamaraan:
1. pakuluan ang manok sa 1/2 tasang toyo, 1/4 tasang suka, asin, 1/2 kutsaritang paminta at 1 bawang sa loob ng 15 minuto. hanguin ang manok at itabi.
2. sa mainit na kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang at sibuyas. ilagay ang pinakulaang manok (huwag isama ang pinagkuluan).
3. hayaang maluto ang manok sa loob ng 5-8 minuto. at ilagay ang toyo, chili flakes, paprika at paminta.
4. ibuhos ang pinagkuluan at hayaang lumapot ito.
5. kapag halos matutuyo na ay maaari na itong hanguin at ihapag kasama ng mainit na kanin.
un tinamaan mo da ang gusto ko sa adobong manok ung medyo maanghang..
TumugonBurahinsyempre!
Burahin