isa sa paborito ko ay ang hipon. as in, super love ko ang hipon! hipon. hipon. hhhiiiiiiipppppoooooonnnn!!!
at nakakatuwa kasi nasunod ang layaw ko dito sa UAE dahil mura at abot-kaya ang hipon! kaya wala kong pinalagpas na pagkakataon na di ko ma-enjoy ang pagkain nito! mula sa simpleng hilabos, sinigang at kung anu-ano pang lutong pwedeng gawin sa hipon! basta hipon, to the highest level ang ligayang maibigay nito sa akin! pramis!
kung sa pinas, siguro mabibilang ko sa mga daliri ang mga pagkakataong nakapagluto at nakain ko ito... syempre me kamahalan. at pagdating ko rito sa UAE, aba e... halos inaraw-araw ko naman. sa loob ng isang taon, kada linggo ay di mawawala ang hipon sa aking lutuin. marahil ito ang dahilan nung nauwi ako ng Pinas ay di ako nanabik dito, konti lang.
magkakagayun pa man, ibabahagi ako ang kakaibang twist na ginawa ko sa hipon. ipinartner ko ito sa patatas - kasi nga mura din ang patatas kaya swak na swak itong dalawang ito sa aking naghihikahos na bulsa!
Chilli Shrimp - Potato in Ketchup & Oyster Sauce
mga sangkap:
1/4 kilong hipon
1 malaking patatas (hiwain ng pabilog o kung anumang nais)
4 butil ng bawang
1 pirasong sibuyas
2 kutsarang ketchup
2 kutsarang oyster sauce
gakurot na asin
gakurot na paminta
1 kutsaritang chili flakes
1/2 tasang mantika
note: ang mga asin, paminta at chili flakes ay depende sa inyong panlasa.
paraan ng pagluluto:
1. iprito muna ang patatas at itabi.
2. igisa ang bawang, sibuyas, at chili flakes.
3. ilagay ang hipon, ketchup at oyster sauce.
4. ilagay ang piniritong patatas, asin at paminta.
5. pakuluin sa loob ng 5 minuto o hanggang sa maluto ang hipon.
6. hanguin at ihapag ng may kasamang mainit na kanin!
serving: 2 - 3 ulaman
dadako luto k nyan pag-uwi ha...gusto ko yan dadako...
TumugonBurahinoo naman syempre ipagluluto kita nito :)
Burahin