okay, aminado ko... panatiko ako ng TOKWA! oo, TOKWA! wala ng iba, T-O-K-W-A! anak talaga ng tokwa! di ko rin maipaliwanag kung bakit eh, basta gusto ko talaga ng tokwa. at dahil dito pamalagian ko itong niluluto basta nagkaroon ng pagkakataong makabili nito dito sa UAE. at may pagkakataong kapag natyempuhan kong "S-A-L-E" as in malapit na ma-expire (may 2 weeks pa naman bago mag-exprire) ay hala, bili ng bongga! kaya madalas nakakantyawan na ko sa flat namin kasi puro tokwa ang espasyo ko sa ref namin. pero keber lang sa kantyaw at totoo namang parang nagpa-panic buying ang byuti ko!
so no need na patagalin pa ito sa ref, birahin na!
Bistek Tokwa ni Di-Lag
mga sangkap:
1 balot ng tokwa
4 butil ng bawang
2 pirasong sibuyas
gakurot na asin
gakurot na paminta
1 kutsaritang chili flakes (optional)
2 kutsarang oyster sauce
2 kutsarang toyo
1 kutsarang suka
1 tasang harina
1 tasang mantika
paraan ng pagluluto:
1. hiwain ng "bite size" ang tokwa at patuyin sa pamamagitan ng pagdampi ng tisyu sa mga ito.
2. sa isang mangkok, pagsama-samahin ang harina, asin at paminta.
3. ilagay ang mga tokwa sa harina. tiyaking mabalutan ng harina ang bawat tokwa.
4. painitin ang kawali at ilagay ang mantika. prituhin ang mga tokwa at itabi.
5. sa mismong pinag-prituhan ng tokwa ay igisa ang bawang, paminta, at chili flakes.
6. ilagay ang toyo at oyster sauce.
7. ilagay ang suka at pakuluin ng 3 minuto ng hindi hinahalo para maluto ang suka.
8. isunod ang mga tokwa at sibuyas. pakuluin.
9. hanguin at ihapag ng may mainit na kanin!
servings: 2 ulaman
dadako fav. ko ang tokwa bat di mo niluto ito noon dadako?...
TumugonBurahinuuwwwaaaahhh dami mo namang paborito eh... tataba tayo ng bongga nyan pag nasunod lahat yang gusto mo. :)
Burahin