Martes, Oktubre 2, 2012

Ate Lei's Chicken Macaroni Soup

nang simulan kong magsulat o mag-blog, sa totoo lang ay wala akong tiyak na pokus para dito. nagkataong kinakailangan ko ng "outlet" para sa aking pagka-homesick at dahil sa halos araw-araw o 24/7 ay nasa harapan ko ang computer with internet connection kaya napukaw ang abang atensyon na... "bakit di ko subukang magsulat?". at, KA-BOOM! niluwal ang sidiwatanglagalag.blogspot.com! woooot! woooot! (pumupusong palakpalakan naman dyan?).

wala akong pormal na kasanayan sa pagsusulat ngunit giliw na giliw akong makipagbahaginan. at syempre nararapat lang na di laging ako ang bida sa tambayang ito (naghahanap ng makakaramay) - kaya naman nag-aya ako ng ilang mga kaibigan na magbahagi din ng kanilang buhay na karanasan bilang isang OFW. 

at ang tema ng aking paanyaya:

"magbahagi ng mga recipe na budget meals ayon sa kakayanan at buhay ng isang OFW."

at walang ka-abog-abog at walang kakakurap-kurap ay may tumugon sa ating paanyaya! isang daang libong beses na palakpakan sa ating panauhin! at syempre di ko na patatagalin pa...

mga kaibigan, si Ate Lei. 

narito ang kanyang pagbabahagi: 

"Lei po ang inyong abang lingkod. 
Naninilbihan po bilang kasambahay 
dito sa bansang UAE ng  may 3 taon na.


May 3 mga anak na nasa kolehiyo. 

Ang hirap mag-isip ng iluluto kung maliit lang ang budget. 
Lalo na kung nasa ibang bansa. 
Kadalasan ang hinahanap mong pagkain sariling atin.
Meron bang mga sahog dito? 
Kung wala...
Substitute!...

Ang pamilyang pinagsisilbihan ko ay mga British.
Vegetarian pa ang mga employers ko. 
Personal Trainor pa ang isa. 
Ang madalas iluto at kainin ng lahat ay manok...;-) 
Grilled, ang kinukuha lang nya ay pitso...laman lang.
Ang iba tinatapon nya. :(
Dati yun! :)
i-recycle natin si manok!"

Chicken Macaroni Soup


sangkap:

tirang manok
bawang (.50 fils)
sibuyas (.75 fils)
macaroni elbow (4.50 dhs)
1 pirasong carrot 
maliit na repolyo
maliit na lata ng evaporated milk
asin o patis
paminta

pamamaraan:
1. igisa ang bawang, sibuyas at manok. lagyan ng asin o patis at paminta.

2. kapag nagisa na ay ilagay na ang macaroni at ng tubig at pakuluan sa loob ng 10 minutes o hanggang sa maluto ito.


3. pagkakulo ay ilagay ang gatas at ang mga gulay. pakuluan sa loob ng 3-5 minuto. at lagyan ng asin at paminta kung kinakailangan o ayon sa panlasa.


4. pwede na ito hanguin at ihain sa pamilya!



Chicken Macaroni Soup ni Ate Lei
(ang larawan na ito ay kuha mismo ni Ate Lei)

Note:
ang asin at paminta ay akin na lamang idinagdag sa sangkap at ipinagbabawal sa bahay ng amo ni Ate Lei ang paggamit ng mga ito. dahil ayon sa mga ito na: "ang asin daw ay nagreretain ng water sa katawan natin. kaya meron tayong mga unwanted fats. bukod pa sa mga foods na kinakain with too much carbo and fats." hahay, unwanted fats daw! ang dami ko kaya nito... sakto at sapul ako dun e.

Maraming-maraming salamat sa pagbabahagi ni Ate Lei at sana sa susunod ay matikman ko yang luto mo! 















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento