ano nga ba ang karaniwang kinakain ng isang OFW? kadalasan, dapat ay madali itong ihanda (gawa nang pagod na sa maghapong pagkayod) at mura di nga ba? syempre, mauuna na sa listahan ang mga de lata(sardinas, tuna at luncheon meat) at instant noodles! at sa aking pagkamulat sa usaping pangkalusugan, ang mga nabanggit ay wala halos sustansya na dahil dumaan na ito sa pagpoproseso. kaya ang ending, hindi kainaman na isalalay ang kalusugan sa pagkain ng mga ito. ngunit paano nga ba? di nga ba at mas mahal kapag mga "fresh food" ang bibilhin? at di praktikal na i-imbak lalu na sa atin na limitado sa oras at ang kakayanang mamili.
maging sa atin (Pilipinas), ang mga de lata at instant noodles ang nangungunang pagkain na tinatangkilik ng lahat. at ito rin ang nakagawian kong kainin sa mahabang panahon... at dahil nga wala na ang tunay na sustansyang taglay ay kinakailangang bigyan ng buhay ang mga ito sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga gulay.
ang instant chicken noodles halimbawa ay maaaring paunlarin at bigyan ng tunay na sustansya sa pamamagitan ng paglalagay ng itlog at gulay tulad ng kangkong, malunggay o spinach. minsan o sa mas madalas ay dinadamihan ko ang sabaw nito at dagdag na asin, paminta at chili flakes. sa aking sariling praktika na turo ng aking nakasama sa flat dati na si ate fely ay kangkong o spinach ang aming binibida. at infairness, panalo sa lasa at busog ang kumakalam na sikmura!
instant chicken noodles with itlog |
instant chicken noodles with itlog at kangkong |
instant chicken noodles with peas, carrots, lettuce & egg (left over veggie salad ko ang ginamit) |
instant chicken noodles with spinach & eggs |
tulad ng nabanggit ko nung nakaraan (LANGIT SA KUSINA) na ang aking numero unong patakaran at sangkap sa pagluluto ay ang "imahinasyon". kaya maging mapangahas sa pagsubok ng iba't-ibang sangkap at sa kalaunan ay matutumbok mo rin ang panalong panlasa syo at sa buong pamilya!
malunggay din sana dadako....hay sarap nmn nyan..kakagutom dadako..
TumugonBurahinoo nga sana malunggay... siguro pati saluyot uubra? salamat sa aking no. 1 Fan!
Burahinkundi dadako...noodles with ampalaya...kundi patola...
TumugonBurahinampalaya? bunga o dahon? kung bunga e di ko pa nasubukan pero ang dahon e uubra naman. patolo? aba'y oo pwedeng-pwede.
Burahin