Martes, Setyembre 25, 2012

ang aking simula

paano nga ba simulan ang isang blog?

bago ang pagsusulat sa akin. ngunit nais kong magkaroon ng pamamaraan na mapawi ang aking pangungulila at labis na kalungkutan dito sa ibayong dagat. marahil ang nais ko ay mayroong mababahaginan ng aking mga saloobin... maging ito ay mga alalahanin, kasiyahan o anu pa man.

sa halos isang taon at siyam na buwang pamamalagi ko dito sa UAE, masasabi kong napanis na ang laway ko at natulog ng bonggang-bongga ang mga taba at sebo sa katawan ko. malayung-malayo ito sa nakagawian ko sa halos isang dekadang pag-kilos ko.

bakit nga ba ako napunta sa lugar na ito? ni sa hinagap ay di ko inaasahan na mararating ko. na ang natatangi at natitiyak ko noon ay magagalugad ko ang mga parang at kabundukan. sadyang walang katiyakan ang mga bagay-bagay. ang pagbabago ay siyang tiyak sa lahat.

ngayon, nais kong maging bahagi ka sa aking paglalakbay at paglalagalag sa buhay... 

tara samahan mo ako.
daan (tunnel) pauwi galing sa trabaho



Diwatang Lagalag


6 (na) komento:

  1. ang buhay ay isang paglalakbay, marami tyong nakasabay at nakakasabay sa bawat paghakbang ng buhay, may daan na makipot, masalimuot, at maaliwalas. may panahon sa paglalakbay na kailangang madapa,para matuto,ibayong pagiingat sa muling paghakbang. ang bawat paglalakbay ay may dahilan kung ano man yun, tanging ang tadhana ang nakakaalam .. ang katiyakan ay may dulo ang ating paglalakbay..

    TumugonBurahin
  2. lakbay diwa ang pinakamasarap...subalit siguradong dimo magugustuhan ang dulo ng iyong paglalakbay na akala moý langit yun palaý sa dagat dagatang apoy ang iyong pgtawid...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ikaw talaga KABAG ha...
      salamat sa pagdalaw.
      balik ka ha.

      Burahin
  3. A warm greetings to you, Diwatang Lagalag, from a fellow OFW in far away Rome.

    TumugonBurahin