budget.
simpleng kataga na sadyang hamon sa lahat.
hamon lalu na sa mga tao na may di kalakihang sahod na kinakailangang mapagkasya sa isang takdang panahon. ang pagba-budget ay isang katangi-tanging kakayanang kailangang linangin at mahigpit na panghawakan. para sa akin, "survival skill" ito na dapat taglay ng lahat.
sa punto de bista ng isang migranteng manggagawang tulad ko, papaano nga ba ito?
Pagkakahati-hati ng Sahod
ito ay ideyal pa at sa kadalasan ang 80-90% ng sahod ay naipapadala lahat sa Pinas
|
kung kaya't napakahalaga na makabisa at maisapraktika ang pagba-budget. at sa aking sariling praktika, ang mga pagluluto ng mga pagkain ay laging nasa balangkas ng budget. mula sa pamimili ng rekado o sangkap ay mahigpit itong pinatutupad. halimbawa, kung ang aking putahe ay Sinigang - nararapat na ang sili at gabi ay bilang... tipong sa isang kainan ay mayroon akong isang pirasong sili at dalawang hiwa ng gabi. at syempre bilang din ang hiwa ng baboy o piraso ng hipon.
Sinigang na Hipon ito ang budget kada isang ulaman |
para mapadali ang paghahati ng ulam tulad na nasa ibaba... ihiwalay muna ang sabaw sa laman. ang paghahati ay naaayon sa kung ilan ang gusto mo o tulad sa akin ay nakaprograma ako sa 3-4 na ulaman. sapat na ito para sa 2 araw na pagkain ko... ito na ang magsisilbi kong hapunan sa gabing akin itong inihanda at pananghalian ko na rin kinabukasan. at para maiwasan ang pagka-umay at masayang ito ay magluluto ako ng panibagong ulam.
2 pirasong Hipon |
2 Gabi, 1 Sili at Kangkong |
pati ang Kamatis at Sibuyas ay nahahati din |
Ready na ito para sa isang kain para sa aking panghalian! :) |
Pwede na itong ilagay sa Ref... at ready to eat, anytime! |
budget.
laging isa isip, puso at gawa, he he he. parang panata di ba? pero nararapat lang naman.
happy weekend sa mga kabayan dito sa gitnang silangan!
pwedeng gawing apat(4) ung para sa akin da..?
TumugonBurahinMarcus, basta ikaw ang magbibigay ng "budget" para sa 4. ^_^
TumugonBurahinhehehe....pang dilis lng ang kaya ng budget da...
TumugonBurahinnyar!
Burahin