sa pangunahin, kinakailangang tukuyin at mapag-iba natin ang "PANGANGAILANGAN" o needs sa "KAGUSTUHAN" o wants. isa itong malaking hakbang at sangkap sa matagumpay na pagba-budget, syempre batay na rin ito sa sarili kong karanasan at praktika sa araw-araw.
PANGANGAILANGAN: ito ang mayor na paglalaanan ng ating mga pinagpaguran. nangunguna na dyan ang perang ipapadala natin sa ating mga pamilya sa Pilipinas - di nga ba't kaya tayo napunta dito sa ibayong dagat ay dahil sa kanila? at syempre susunod na dyan pangkonsumo at iba pa... maaari na lamang balikan ang nauna akda: ON BUDGET
KAGUSTUHAN: ito ang mga sekondaryo na maaaring pagkagastusan. at kung suswertihing may matitira pa sa unang pinaglaanan ng kaban ng yaman. ang mga halimbawa nito ay mga damit, bags,alahas, sapatos, gadgets, at pagkain sa mga restawran. natural na di naman kalabisan ang pana-panahong ibili at gawaran natin ang mga sarili ng pakunswelo ika nga. ngunit nagiging sekondaryo ito kasi ba naman ay sangtambak na ang mga sapatos mo ay bibili ka pa rin ng bago - at ang madalas na dahilan ay "SALE". totoong nakapanghihinayang isipin na ang isang branded na sapatos ay maaaring mabili sa kalahati ng presyo nito. pero ang tanong, magagamit mo ba ito? samantalang may mga sapatos ka sa iyong tambakan na naghihintay na sila ay iyong masuot. kaya sa usapin ng praktikalidad, may pangangailangan ba itong bilhin? wala hindi ba?
ang mga bag na ito ay hindi ko maituturing na pangangailangan ko bagkus ay mga "wants" ko ang mga ito hindi kaya ng aking budget, kaya wag nang ipilit pangarapin na lang muna, he he he |
para sa akin, hindi masama ang pana-panahong paglalaan ng mga ganitong bagay ngunit laging mayroong sukatan...
bago bilhin, tanungin muna ang sarili: "KAILANGAN KO BA ITO O GUSTO KO ITO?".
bago bilhin, tanungin muna ang sarili: "KAILANGAN KO BA ITO O GUSTO KO ITO?".
ah gusto mo..?
TumugonBurahinoo Marcus gusto ko... kaya ibili mo ko, ha ha ha
TumugonBurahin