Sa anu't-anumang larangan, malaki talaga ang halaga at ambag ng gawaing medikal. At sa punto de bista ng isang mananakbo ay mahalaga na maarmasan ka ng kaalamang medikal kahit sa usapin ng unang antas o dili kaya ay ang paglalapat mismo ng pang-unang lunas.
Parang nagbabalik ang mga alaala ng kahapon. Na kung saan ay wala kong bukang-bibig kundi ang mga iyan, bwahahahaha. Pero siyang tunay na tama at wasto na dapat ang lahat ay alam ang gagawin sa mga sitwasyong nangangailan ng atensyong medikal. Di naman kinakailangang maalam ka sa lahat ngunit kaya mong paampatin, pahabain ang tsansa ng paghusay at pagbuhay.
At ngayon sa balangkas ng isang mananakbo, anu-ano nga ba dapat taglayin na kaalamang medikal? Anu-ano ba ang mga karaniwang sakit o kalagayan na kinapapalooban bago, tuwing at pagkatapos ng takbo? Kung tutuusin ay napakahaba ng listahan para dito ngunit magbabahagi ako ayon sa aktwal na karanasan at natutunan sa ginanap na pagsasanay medikal ng FRU.
Hahatiin natin ang oryentasyon sa tatlong bahagi: BAGO, HABANG at PAGKATAPOS ng TAKBO. Bakit? Tsikleeeeetttt.... Hmm... marahil kasi ganito ko ito nakikita sa praktika.
1. BAGO - dito kinakailangan malaman natin ang mga paghahanda bago tayo tumakbo. Papasok dito ang mga pagkain, kasuotan, ehersisyo, atbp.
2. HABANG - ito ay kasalukuyang nasa takbo na. Ano ang mga kakaharaping suliranin at ano ang dapat gawin sa mga ito. Halimbawa, natapilok o namanhid ang binti ng mananakbo - ano ang maaaring gawing pang-unang lunas dito?
3. PAGKATAPOS - ito ay sa panahong nakatigil na at natagpos na. May kailangan pa bang gawin na ehersisyo?
Syempre hindi muna natin ito tatalakayin ngayon, he he he. Para muli nyo pang balikan ang tambayan, wais ito mamen.
Nais ko lang din ilinaw at bigyang diin na ang pagbibigay ng pokus sa kahalagahan ng gawaing medikal ay malaking pagsulong ng grupo syempre na kung ipinapamalas nito ang higit na pagpapahusay at pagpapahalaga sa kagalingan ng mga mananakbo.
Kung kaya't...
Let's gow, Sagow!
TAKBOW!
Pabatid: Ang larawan ay kuha ng mga magigiting na mananakbo ng FRU.