Isa sa naging obserbasyon ko mula nung mapadpad ako dito UAE, kalakhan ng mga kabayan ay mayroong allergic reaction sa pagkain ng manok. Sa unang dalawang taon ko dito ay di naman ako tinablan ika nga ng sinasabi nilang allergic reaction sa pagkain ng manok. Ngunit nitong mga nagdaang buwan, mula nung nagkasunud-sunod ang kain ko ng manok mula sa mga arabic resto ay dun na nagsimulang magpamalas ng kapangyarihan ang manok sa akin. Uu, tinablan din ang Diwata. Marahil ay di na sapat ang aking kapangyarihan dito sa lupa. Bwahahahaha! Etchos!
At dahil na nga humina na ang aking Wei Qi o ang pang depensa ko laban sa manok, napagpasyahan kong lumiban sa pagluluto at pagkain ng manok. Bagamat malaking kalungkutan ito kasi gusto ko pa man ding magluto ng chicken curry, chicken adobo, chicken sisig at chicken in peanut butter. So move over muna manokis! At say hello sa isda - HASA-HASA!
HAPPY TUMMY!
Sarciadong Hasa-Hasa
Mga Sangkap
1/4 kilong Hasa-Hasa
2 pirasong Kamatis
1 pirasong Itlog
1 pirasong Sibuyas
4 na butil ng Bawang
1/2 tasa ng Mantika
2 kutsara ng Tausi
1/2 tasa ng Tubig
Paraan
1. Iprito muna ang Hasa-Hasa at itabi.
2. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
3. Ilagay ang tausi at itlog. Haluin.
4. Ibuhos ang tubig. Pakuluin.
5. Ilagay ang piniritong Hasa-hasa at pakuluin.
6. Kapag nasipsip na ng isda ang sarsa sa loob ng 3 minuto ay maaari ng hanguin at ihain ng may mainit na kanin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento