nitong mga nakakaraan ay naging abala ako sa trabaho kaya naman walang pagkakataong makapagsulat at magluto ng mga putaheng aking maibabahagi. at ngayong day off... at nataong bertdey ni kuya harvey e ipinagluto ko sya ng rekwes nyang pansit.
sumabay na ko sa kanila sa pamimili kaninang umaga kaya natupad ang matagal na niyang inaawitan sa akin. muli, hapi bertdey kuya harvey!
HAPPY TUMMY!
Diwata's Pansit Canton
mga sangkap
1/4 kilong baboy at atay
1 pirasong sibuyas
6 butil ng bawang
3 pirasong carrots
1 katamtamang laking repolyo
1 pirasong capsicum
2 tangkay ng celery
2 buong onion leeks
1 platitong toge
2 malalaking balot ng pansit canton
asin
paminta
paprika
mantika
1 tasang toyo
1/2 tasang oyster sauce
paraan ng pagluluto
1. ihanda ang mga gulay. gayatin ng pahaba ang mga ito. pagkatapos ay magpakulo ng tubig ng may asin, paminta at mantika.
2. sa pinakulong tubig ay i-blanced o itubog ang mga gulay. gawing baha-bahagi ang pagtubog sa loob ng 3-5 minuto o hanggang sa maging matingkad ang kulay at maluto ang gulay - carrots, repolyo at toge. at itabi. huwag itapon ang pinagkulaan.
3. pagkayari ng mga gulay ay ihanda ang "wok" o kawali. painitin ang mantika.
4. igisa ang bawang at sibuyas. isunod na ilagay ang baboy.
5. budburan ng asin, paminta, at paprika. hayaang maluto at sipsipin ng karne ang mga spices.
6. kapag halos mag-brown na ang mga gilid ng karne ay tsaka ibuhos ang toyo at oyster sauce. lutuin sa loob ng 5-10 minuto. haluin paminsan-minsan para di masunog.
7. ibuhos ang 4 tasang pinagkuluan ng mga gulay. pakuluin.
8. kapag inabot na ang pagkulo ay ilagay na ang pansit canton. haluin.
9. kapag nasa kalagitnaan na ng pagkaluto ang pansit ay tsaka ilagay ang lahat ng mga gulay.
10. maaaring dagdagan ng tubig depende sa pagkaluto ng noodles. gayundin ay maaaring muling lagyan o timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa.
11. matapos matiyak na luto na ang noodles o pansit at maaari na itong hanguin.
12. ihain ng may kasamang lemon at budburan ng piniritong bawang bilang toppings.
paghahahinan: 10 katao
nakakamis din yn dada...
TumugonBurahin