Linggo, Mayo 29, 2016

PAGLALAKBAY

Mahigit limang taon na ang lumipas ng aking tahakin ang buhay ng isang migranteng Pilipino o mas kilala sa bansag na "Bagong Bayani" daw. Sa limang taon, natutong mamuhay ng mag-isa at malayo sa mahal sa buhay. Na ang tanging gawi sa araw-araw ay Bahay-Trabaho-Bahay. Ngunit syempre sa kalagitnaan ng pag-angkop ay nagkaroon ng mga iba pang pinagka-aabalahan tulad ng pag-gym, takbo, swimming at sagwan. Nasanay na manirahan sa masisikip na tahanan na animo'y sardinas kayong nagsisikan sa bahay. Sa iyong mumunting espasyo ay naroon ang iyong kabuan - ihihiga ang pagal na katawan sa maliit na kama at mag-iipon ng panibagong lakas para sa kinabukasan. Liban sa istorya na yan mas nais kong bigyang diin ang mismong paglalakbay  sa iba't-ibang lugar. 

Ang mga larawan sa ibaba ay nagbabahagi ng aking mga di malilimutang karanasan sa bawat lugar na napuntahan. At sana sa hinaharap ay mas marami pa akong mapuntahan at magkaroon pa ng maraming alaala na huhubog sa aking katauhan.

DUBAI, UAE

Standard Chartered Bank: Dubai Marathon 2015 Finisher

On my way to the finish line... 42 kilometers.


KISH, IRAN
Exit sa Kish, Iran. January 2011

DOHA, QATAR
with Buboy at Corniche, Doha, Qatar 2013.



DIBBA, OMAN
Salomon Wadi Bih - Team Relay 72km 2015

Salomon Wadi Bih - Team Relay 72km 2016



TBILISI, GEORGIA
Unang biyahe naming magkakaibigan sa Georgia. October 2015


Georgia. October 2015


"Sa aking paglalakbay kay raming natutunan, pagpunta sa kabundukan ay katatagan ang kailangan. May layunin bawat paglalakbay..." -mula sa isang progresibong awitin na Paglalakbay.

Miyerkules, Abril 27, 2016

DRAGONBOAT

sa aking pagbabalik-tanaw, malayung-malayo na ako sa dati.
mula sa dating lalampa-lampa at walang anumang tikas sa anumang laro o paligsahan.
ngayon ay nabago na.

nagsimula ng subukan kong tumakbo.
nagustuhan ko ang pakiramdam.
buong-giliw kong niyakap ang buhay ng isang mananakbo.
nagawa ko ng makatakbo ng apatnapu't dalawang kilometro.

Standard Chartered Dubai Marathon 2015. January 2015
ano na nga ba ang susunod?
sinubukang lumangoy.
ngunit magpahanggang ngayon ay di pa rin kami magkasundo.
takot pa rin ako sa malalim na bahagi ng katubigan.
kaagapay ng takot ay ang maling paghinga.


ngunit sa isang banda ay di ko pa rin naman ito sinusukuan.
unti-unti ko itong papangibabawan.

subalit sa kasalukuyan ay mayroong panibagong hamon ang katubigan.
ito ay ang pagsagwan.
o ito ay mas kilala sa katawagan na "DRAGONBOAT'.

Dubai Creek Dragon Boat Festival. February 2016
may kakaibang kabig ito sa akin.
panibagong hamon na ibinibigay sa bawat pagsagwan.
ngunit malaki ang kaibahan nito sa aking pagtakbo at paglangoy.
kasi dito ang bawat kilos at galaw mo ay nakaayon sa iisang kumpas.

RAK Dragon Boat Festival 2016. Mixed Category 2km. April 2016
hindi lamang ikaw ang gagalaw kundi kasabay mong kikilos ang bawat miyembro sa bangka.
para kayong isang pulutong na sabay-sabay at koordinado ang bawat galaw.
at tanging boses ng Timon ang siyang magigiya nito sa pagsulong.

RAK Dragon Boat Festival. Womens Category: 500m. April 2016
walang pwedeng mauna.
walang pwedeng mahuli.
walang pwedeng huminto.

RAK Dragon Boat Festival 2016. Womens Category 200m. April 2016

dapat ang lahat ay sabay-sabay.

sabay-sabay na sasagwan patungo sa tagumpay.

ULTIMATE JUNKIES Dragon Boat Team


Pabatid: Ang mga larawan ay kuha nila Mark at iba pang miyembro ng UJDBT.