Huwebes, Disyembre 13, 2012

Tacos ala Pobre

naka-ugalian ko na ang bawat mga tira kong pagkain ay aking binibigyan ng panibagong buhay sa pamamagitan ng pagrerecycle ng mga ito. at sa gabi ng bago ang day off...natural puyatan at harutan kami dito ng mga kasama ko sa bahay. syempre sa kusina lahat ang kaganapan. mayroon kaming kanya-kanyang kaabalahan sa paghahanda. at aking naisipang gawin ay Tacos!

mayroon pa akong tirang sows ng ispageti (di naman halatang birador ako nito di baga?, he he he), at imbes na totoong nachos ay ang aking tirang pambalot ng lumpia ang gagamitin ko; at reserbang lettuce at keso! kaya ang ending... buenas ang mga sikmura!

HAPPY TUMMY!

Tacos ala Pobre

mga sangkap

2 tasang tirang sows ng ispageti
4 na dahon ng lettuce
cheddar cheese
1 pirasong sibuyas
1 pirasong kamatis
8 pirasong pambalot ng lumpia
mantika

paraanng pagluluto

1. prituhin ang pambalot ng lumpia. itabi.

2. gayatin ang lettuce. itabi.

3. hiwain ng maliit ang sibuyas at kamatis. itabi.

4. isalan ang mga sangkap sa plato: lumpia, sows (2-3 kutsara), lettuce, kamatis, sibuyas at keso.

paghahahinan: 4 na katao

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento