dahil sa sunud-sunod na pagkaabala sapaghahanap ng bagong trabaho ay di ko na halos maharap ang pagluluto. ngunit nitong nakaraang UAE National day ay nagkaroon ako ng pagkakataong magkapagrelax at magkapagluto. kinalap ang mga sangkap na maaaring makikita sa mga karaniwang supermarket... natural sa filipino section ang tungo ko. hanap ko ng atsuete, palabok mix, at onion leeks. at matapos ang ilang oras sa kaabalhan sa kusina ay nakapaghanda na ako ng pansit palabok na nagbigay ng pakiramdam na nasa bahay lang ako.
HAPPY TUMMY!
Pansit Palabok ala Pobre ni Diwata
mga sangkap
1/4 kilong giniling na manok
4 pirasong buong bawang
1 kutsarang atsuete powder
1 pack ng mama sita's palabok mix
2 nilagang itlog
2 onion leeks
1 maliit na pack ng ginisa mix o chicken cubes
asin o patis ayon sa panlasa
1 pack ng pansit bihon (227 gramo)
2 tasang mantika
paraan ng pagluluto
1. gayatin ng pino o ayon kagustuhan ang bawang. at iprito sa kaserola o kawali ng may mainit na mantika. itabi.
2. sa mismong pinagprituhan ng bawang ay isunod na lutuin ang giniling na manok. timplahan ng ginisa mix o cubes, atsuete at asin o patis. lutuin sa loob ng 15 minuto o hanggang sa maluto ng mabuti ang manok. itabi. ito magsisilbing pamalit sa hipon at tinapa. :)
3. lutuin ang sarsa ng mama sita's palabok mix ayon direksyon sa pakete. itabi.
4. magpakulo ng tubig sa kaserola, sapat para maitubog ang pansit. ibabad muna ang bihon sa loob ng 5 minuto. pagkakulo ng tubig ay lutuin ang pansit sa loob ng 3-5 minuto o hanggang sa malambot na ito at wala ng puti sa gitna.
5. matapos maluto ng lahat ng sangkap ay maaari na itong pagsama-samahin. ang pansit, sarsa, giniling na manok, dahon ng sibuyas, nilagang itlog at bawang.
paghahahinan: 4-6 katao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento